14

Jan 17, 2021 @ 17:09
By

13 terorista sumuko sa militar sa Sulu

Sumuko ang 13 miyembro ng Abu Sayyaf sa militar sa Sulu kahapon.

Ayon sa Joint Task Force Sulu, kasama sa mga sumurrender ay si alyas Arlyn na pinsan ng kilalang bomber na Mundi Sawadjaan.

Anila, ang mga sumukong terorista ay mga tauhan ng Radullan Sahiron, Hatib Sawadjaan Group at Kidnap for Ransom Group na kumikilos sa Sulu.

Isinuko din ng mga terorista sa militar ang kanilang mga armas. Ibinigay nila ang tatlong garrand rifle, isang M16 rifle, isang grenade launcher at isang M2 carbine.

Isasailalim ang mga sumukong miyembro ng Abu Sayyaf sa isang integration program ng gobyerno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?