166

Jan 23, 2021 @ 18:43
By

13 suspek naimbestigahan na sa Dacera case

Kabuuang 13 persons of interest na ang humarap sa mga imbestigador kaugnay sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera, ayon sa National Bureau of Investigation (NBI).

Tiniyak nitong Sabado ni NBI Deputy Director Ferdinand Lavin na nagpapatuloy ang imbestigasyon sa kaso.

Enero 1, 2021, natagpuang walang buhay si Dacera sa bathtub ng kuwarto ng City Garden Grand Hotel na kanyang tinuluyan matapos dumalo kasama mga kaibigan sa New Year’s Eve celebration.

Dinala pa siya sa Makati Medical Center pero dineklarang dead on arrival.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?