293
13 senador pumirma ng pagsuporta kay Sotto
Jun 3, 2019 @ 16:49
By

13 senador pumirma ng pagsuporta kay Sotto

Nasa 13 mambabatas na umano ang pumirma sa isang resolusyon na nagpapakita ng suporta sa pananatili ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

“I have with me a copy of the resolution expressing support in your leadership to maintain you as Senate President of the Republic,” saad ni Senator Manny Pacquiao patungkol kay Sotto.

Kinabibilangan ang 13 senador nina Pacquiao, Senate President Pro Tempore Ralph Recto, Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Senators Panfilo Lacson, Joel Villanueva, Sonny Angara, Sherwin Gatchalian, Nancy Binay, Grace Poe, Aquilino “Koko” Pimentel III, outgoing Senators Gringo Honasan, Francis “Chiz” Escudero” at Loren Legarda.

“A total of 13 senators pero may mga ilang senators pa, Mr. President, na wala dito na support din sila sa leadership niyo, Mr. President,” dagdag pa ni Pacquiao.

Kinakailangan ni Sotto ng simple majority o 13 sa 24 senador na supporters para mapanatili bilang Senate President.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?