64

Mar 2, 2021 @ 14:23
By

13 sa mahigit 700 nabakunahan vs Covid kahapon, nagkaroon ng side effect – DOH

Labing-tatlo sa 756 ang nagkaroon ng mga minor side effect matapos maturukan ng Sinovac vaccine kahapon, ayon sa Department of Health.

“All of them are common and all of them are minor,” wika ni Health spokesperson Maria Rosario Vergeire sa isang briefing kahapon.

“Wala sa kanilang na-admit. Lahat sila ay inobserbahan, minanage, at after a while they were all sent home,” pagpapatuloy niya.

Ito ay matapos makaranas ng pagtaas sa blood pressure, rashes, sakit ng ulo at pagkahilo ang mga naturukan.

Anang ahensya, dulot ito ng anxiety buhat ng vaccination.

Nito lamang Lunes nang magsimulang umarangkada ang malawakang pagbabakuna sa anim na ospital sa Metro Manila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?