164

Oct 22, 2020 @ 10:41
By

13 preso tumakas sa Caloocan jail

13 persons deprived of liberty (PDL) ang pumuga sa Caloocan custodial facility kaninang madaling araw.

Base sa ulat ng pulisya, patuloy ang ginagawang paghahanap para maibalik sa kulungan ang mga presong sina:

– Norbert Alvarez
– Dunacao Aries
– Raymond Balasa
– Reynaldo Bantiling
– Arnel Buccat
– Reymark Delos Reyes
– Aldwin Jhoe Espila
– Mark Oliver Gamutia
– Hudson Jeng
– Tejeros Justine
– Martin Mama
– Gerrymar Petilla
– Jovel Toledo Jr.

Sabi ng pulisya, sa ulat ng ABS-CBN News, unti-unti nang winawasak ng mga bilanggo ang likurang pader ng bilangguan kung saan dalawang pulis lang ang nakaistasyon nang tumakas ang mga ito.

15 preso talaga ang naunang nakatakas mula sa lugar para sa mga coronavirus-positive na detainee o mga sinasailalim sa COVID-19 testing, pero nahuli ang dalawa sa mga ito.

Kasong administratibo at kriminal umano ang kahaharapin ng dalawang pulis na nagbabantay sa pasilidad nang tumakas ang mga PDL.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?