16

By

13 points ni Tiamzon, nag-angat sa BanKo vs Choco Mucho

Sa pabidang 13 markers ni Nicole Tiamzon, muling winalis ng BanKo ang Choco Mucho, 25-20, 25-19, 27-25 sa huling laro ng 3rd PVL Open Conference 2019 elims sa The Arena, San Juan City.

Nakaagapay ni Tiamzon sa ikasiyam na panalo sa loob ng 14 na laro para ‘di matinag sa tersera at lumakas ang tsansa semis ng Perlas Spikers sina Dzi Gervacio at Suzane Roces na nag-ambag ng tig-11 markers, pinadilim na ang tsansa ng Flying Titans sa pagkasubsob sa sixth sa 6-8 record.

‘Di naman umubra ang 19 points ni Katrina Mae ‘ Kat’ Tolentino upang ibalik sana sa win column ang Choco.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?