60

Feb 25, 2020 @ 15:26
By

13 opisyal ng APO Production Unit, kinasuhan sa P450M graft

Nahaharap sa kaso ang 13 opisyal ng APO Production Unit dahil sa pagbibigay ng P450-million kontrata para sa pag-upgrade ng seguridad sa tobacco stamp sa bidder na kulang sa qualification.

Ayon sa reklamo ni Myrna Gonzales, Sales Manager ng Kolonwei Trading, ginawad umano ng mga opisyal ng APO, na pinangungunahan ni chairman at president Michael Dalumpines, ang P450M contract sa IRSIS Corporation at Mar Linux Business Solutions Inc kahit pa non-responsive umano ang mga pinasang dokumento ng dalawang kompanya sa requirement ng Technical Working Group para sa nasabing proyekto.

Ilan umano sa hindi napasa ng IRSIS Corporation-Mara Linux Business Solutions ay ang sworn statement sa lahat ng mga kasalukuyang kontrata nito, financial bid form, at ang pinakabagong income at Business Tax Return.

“Despite the findings of the TWG, the respondents proceeded to award the contract to IRSIS Corporation-Mara Linux and Business Solutions on November 22, 2019,” saad sa reklam ng Kolonwei, na natalo sa nasabing bidding.

“The concerted act of the respondents in qualifying the bid of joint venture and awarding the contract to it despite failure to comply with eligibility requirements as noted by the TWG are clearly intended to bestow unwarranted benefits to the said joint venture to the damage and prejudice of the government in the amount of P202 million,” saad pa.

Ang reklamo ay hinain sa Ombudsman nitong Lunes, February 24.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?