19

By

13 nalunod sa tumaob na ‘overloaded’ na bangka sa Indonesia

Sharing is caring!

Hindi bababa sa labingtatlong katao ang nasawi matapos na tumaob ang sinasakyan nitong bangka na pauwi sa Sulawesi lsland, Indonesia nitong Miyerkules.

Ayon sa ulat, papunta sa Barrang Lompo mula sa Potere sa South Sulawesi ang bangkang Arista na punong puno ng pasahero na nagdiriwang sa pagtatapos ng Ramadan nang hampasin ito ng sampung talampakan na mga alon at tumaob sa karagatann malapit sa isla ng Sulawesi.

Ang bangkang Arista ay nabatid na overloaded dahil ito ay dinesenyo lamang para sa 20 pasahero pero may sakay na 43 katao nang maaksidente.

22 katao ang nailigtas ng mga rescue workers sa sakuna habang walo pang sakay ang nawawala.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng taunang tradisyon na pag-uwi ng milyun-milyong Muslim sa Indonesia sa kanilang mga bayan kasabay ng pagtatapos ng Ramadan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?