21
ABANTE winnie winston castelo suporta tokhang relaunch
By

13 month, Xmas bonus, agahan! – Castelo

Sharing is caring!

Nanawagan si Quezon City Rep. Winston Castelo sa mga employer na agahan ang release ng 13th month pay at Christmas bonus ng mga empleyado sa Metro Manila.

Ito, ayon kay Castelo ay para makapamili na ng maaga ang mga empleyado habang hindi pa kataasan ang presyo ng mga pagkain at pangregalo.

“Businesses usually jack up their prices when Christmas gets near to take advantage of the rush. Let’s save our workers from this inconvenience by giving their benefits and bonuses, if there’s any, in advance,” paliwanag ni Castelo.

Sabi ng kongresista, bagama’t maraming kompanya ang galante, karamihan sa mga ito ay naghihintay pang sumapit ang Disyembre bago ibigay sa mga manggagawa ang benepisyo.

“I hope these can sympathize for the current plight of our workers who are reeling from the effects of inflation on their families,” ani Castelo.

Samantala, kumbinsido rin ang mambabatas na masyadong maliit ang P25 na umento sa sahod ng mga empleyado sa Metro Manila.

Sang-ayon ito na kailangan pa ng panibagong dagdag sa sweldo para maging makatuwiran ang pay adjustment.

“The rising inflation has already reduced so much the purchasing power of Filipino workers. They need a reprieve in the form of higher pay,” ayon sa kongresista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?