269
13 mangingisda nawawala sa lumubog na bangka sa WPS
Nov 14, 2019 @ 15:23
By

13 mangingisda nawawala sa lumubog na bangka sa WPS

Naglunsad na ng search and rescue operation sa 13 na mangingisda na nawawala matapos lumubog ang sinasakyan nilang bangka sa Recto Bank sa West Philippine Sea noong nakaraang linggo.

Nag-rescue ng fishing vessel na FFB Joseph ang isa sa crew member ng FFB Three Sister.

Lumubog ang FFB Three Sister matapos makaengkuwentro ng malakas na hangin at malalaking alon na dala ng bagyong Quiel noong November 7.

Nakita ang crew member na si Angelito Espetito Jr., habang palutang-lutang sa Panatag Shoal gamit ang isang container.

Nahiwalay daw si Espetito sa mga kapwa niya mangingisda dahil sa malakas na hangin at alon.

Patungo sana ang mga biktimang mangingisda sa kanilang home port sa Brgy. Sisiman, Mariveles, Bataan nang bayuhin ng bagyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?