20

13 katao sugatan sa karambola ng sasakyan sa Rizal

Sharing is caring!

Nawalan umano ng preno ang isang truck kaya’t inararo nito ang walong sasakyan sa kahabaan ng Cabrera Road–Manila East Road sa Barangay Dolores sa Taytay, Rizal.

Dahil dito, nasa 13 katao kabilang ang isang sanggol ang sugatan.

May kargang drum-drum na diesel ang truck nang banggain ang walong sasakyan dakong alas-2:50 ng madaling-araw, pero bago ang insidente ay nakita sa CCTV sa lugar na mabilis ang andar ng nasabing trak.

Karamihan ng sugatan ay mga pasahero ng isang UV Express na ginagamot pa sa kasalukuyan sa ospital.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?