47

Jan 1, 2018 @ 18:00
By

13 kaso ng indiscriminate firing naitala sa MM

Umabot sa 13 kaso ng indiscriminate firing ang naitala ng National Capital Regional Police Office sa nakalipas na Kapaskuhan.

Sa panayam, sinabi ni NCRPO chief, Police Dir. Oscar Albayalde ang nasabing bilang ay base monitoring nila mula noong nakaraang Disyembre 16.

Kabilang naman sa 10 nahuli ay apat na pulis, dalawang sundalo at limang sibilyan.

May hinahanap pang isang pulis at dalawang sibilyan.

Ang apat na pulis ay kasalukuyan nang nasa ilalim na ng restrictive custody ng pambansang pulisya.

Kaugnay nito, tiniyak ni Albayalde na sisibakin nila sa serbisyo ang sinumang pulis na mapapatunayan na sangkot sa indiscriminate firing.

Nilinaw naman ng opisyal na ang kaso ng 10 taong gulang na bata na naunang naitala na indiscriminate firing sa Maypajo, Caloocan City ay walang kinalaman sa pagsalubong sa bagong taon. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?