46

May 18, 2021 @ 18:20
By

13 hotel sa Metro Manila aprub na sa ‘staycation’

Bukas na para sa staycation ang 13 hotel sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, pinagkalooban ng Certificate of Authority to Operate for Staycation ang 13 hotel matapos maglabas ng resolusyon ang Inter-Agency Task Force na nagpapahintulot mag-operate ang mga specialized market kabilang ang staycation program.

Ang mga staycation hotel ay ang Grand Hyatt Hotel (Taguig); Okada Manila Hotel; Shangri-la (Fort, Taguig); Nobu Hotel (Manila); Joy Nostalg Hotel and Suites (Manila); EDSA Shangri-la (Manila); Solaire Resort (Parañaque); Hyatt Regency at Nuwa Hotel ng City of Dreams (Manila); The Peninsula Manila; Aruga by Rockwell (Makati); Sheraton Manila Hotel at Hilton Hotel (Manila).

Available na ang kuwarto ng mga nabanggit na hotel para sa mga turistang mula sa NCR Plus bubble o ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?