50

Dec 9, 2017 @ 13:55

13-game winning streak ng Cavs, pinutol ng Pacers

Pinutol ng Indiana Pacers ang 13-game winning streak ng Cleveland Cavaliers at sungkitin ang 106-102 victory.

Si Victor Oladipo ang nanguna sa mga bataan ng Pacers sa naitalang 33 points.

Nagpaulan ng 15 three point shots ang Pacers para wakasan ang layunin ng Cavs na magtala ng 14 straight wins sa franchise record.

Nagawa ni Oladipo ang anim sa 13 shot niya beyond the arc habang tumapos si Myles Turner ng 15 points.

Si LeBron James pa rin ang nagmaniobra sa Cleveland sa ibinagsak na 29 points sa 12-of-22 shooting at mayroon ding 10 rebounds at eight assists.

May ambag naman na 20 points si Kevin Love at 15 din kay J.R. Smith para sa Cavaliers.

Nasa 44% ng kabuuan ang naitira ng Pacers habang 43% lang ang sa Cavs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?