By

13 drug pusher arestado sa QC

Sharing is caring!

Sa kabila nang ipinatutupad na ‘war on drug’ ng Philippine National Police (PNP), muli na namang nakabitag ang mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ng 13 drug pushers sa sunod-sunod na drug bust operation sa Quezon City kaninang ng madaling araw.

Kinilala ni QCPD Director, P/Chief Supt. Guillermo Eleazar ang mga suspek na sina Carlos Apedra, 57; Ronalyn Gonzales, 26; Joseph Bernal, 18; Angelito Abojado, 42; Joel Ala, 25; Charlie Dacuyan, 28; Robeliza Gruta, 28; Elvira Manansala, 48; Leo Rivas, 41; Juvy Salazar, 38; Jake Anthony Calnonero, 19 at dalawang minor na edad na hindi na tinukoy ang pangalan.

Ang 13 ay nahuli sa magkakahiwalay na lugar sa Quezon City, sa isinagawang buy bust operation dakong ala-1:00 hanggang alas-4:00 ng madaling araw bunsod na rin ng reklamo ng mga residente na nakikipagtulungan sa pulisya.

Ayon kay Eleazar, mahalaga ang ginagampanang papel ng mga ‘force multipliers’ at tulong mismo ng mga residente na siyang direktang nagsusumbong sa pulisya dahil sa hangarin nilang malinis sa droga ng kani-kanilang barangay.

“Nagpapasalamat ang QCPD sa patuloy na suporta ng taumbayan sa ating kampanya laban sa illegal drugs, dahilan para magsagawa tayo ng mga anti-illegal drugs operation at mahuli ang mga suspek. Nananawagan tayo sa publiko na isumbong sa mga awtoridad ang sinumang involved sa mga iligal na gawain para agad na maaksiyunan”. sabi ni Eleazar.

Nakumpiska sa 13 ang tinatayang nasa kalahating milyong halaga ng droga at iba’t-ibang drug paraphernalia.

Nakakulong ngayon ang mga suspek sa QCPD detention cell habang inihahanda na ang pagsasampa ng kasong drug pushing laban sa kanila. (Dolly B. Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?