19

May 3, 2021 @ 17:12
By

13 DAR official kakasuhan sa hindi naipamigay na libo-libong titulo ng lupa

Nadiskubre ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang mga hindi naipamahaging titulo ng lupa o certificates of land ownership award (CLOA) mula taong 1987 hanggang 2020.

Inanunsyo ito ni Secretary John Castriciones sa press conference nitong Lunes.

Aniya, nakatago sa dalawang sako ang mga nadiskubre ng Task Force Undistributed CLOA na mga titulo ng lupa — na naglalaman ng 1,620 CLOAs at 387 Emancipation Patents at may petsang mula 1987 hanggang 2020 sakop ang 254,000 ektarya — sa loob ng DAR-Cebu Land Transfer and Implementation Division.

Sabi ni Castriciones, nalantad ito dahil sa ginawang pag-iimbestiga upang tugunan ang kabiguang maipamahagi ang mga CLOA sa nagdaang mga taon.

Bunga nito, maghahain daw sila ng kaso laban sa 13 opisyal na siyang responsable sa pamamahagi dapat ng mga naturang titulo ng lupa.

“We will be filing charges against 13 officials whose responsibility should be to distribute these CLOAs. When the formal investigation begins, they will be reassigned to other posts and will be replaced by officials who are neutral to the case so the operations in DAR Cebu Province will continue,” lahad ni Castriciones.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?