13,668

Jan 2, 2018 @ 13:47

13 bagong batas, pinirmahan ni Duterte noong 2017

Produktibo ang nakalipas na taon para sa mga mambabatas kung saan nagawa nilang mailusot ang may 13 bagong batas kabilang na ang mga prayoridad ng Duterte administration.

Pirmado na bilang batas ang Republic Act (RA) No. 10963 o ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) bill ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Disyembre 19, kung saan nakapaloob ang tax exemption sa mga kumikita ng hindi lalagpas sa P250,000 kada taon ngunit dagdag-buwis sa mga sugar sweetened beverage, automobile, coal, fuel, at tobacco na epektibo ngayong taon.

Kasama sa tatlong prayoridad na naisabatas noong 2017 ang RA 10929, RA 10928 at RA 10930 o ang libreng internet access sa mga pampublikong lugar, ang 10-year validity ng Philippine passport at ang 5-year validity ng driver’s license.

Pinirmahan din ng Pangulo ang RA 10965 o ang General Appropriations Act (GAA).

Naging batas din ang mga panukala hinggil sa social services, emergency health care service, national special non-working holiday, anti-money laundering act of 2001, fake news, Sangguniang Kabataan elections at iba pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?