57
supreme-court1

13 aplikante pagpipiliaan sa mababakanteng puwesto sa SC

Sharing is caring!

Kasama si Court Administrator Jose Midas Marquez sa mga kandidato para sa mababakanteng puwesto sa Korte Suprema bunsod ng nalalapit na pagreretiro ni Associate Justice Presbitero Velasco Jr.

Nabatid na natapos na noong May 2, 2018 ang pagsusumite ng aplikasyon sa Judicial and Bar Council (JBC) para sa iiwang puwesto ni Velasco na magreretiro sa August 8, 2018.

Bukod kay Marquez na dating tagapagsalita ng Korte Suprema at naging chief of staff ni Dating Chief Justice Reynato Puno, aplikante rin sa posisyon ang siyam na Court of Appeals Justices Jose Reyes, Rosmari Declaro Carandang, Ramon Bato, Ramon Hernando, Ramon Garcia, Oscar Badelles, Manuel Barrios, Apolinario Bruselas at Amy Lazaro/Javier.

Nominado rin si Dating Ateneo College of Law Dean Cesar Villanueva gayundin si Judge Carlos Espero RTC ng Davao.

Ang JBC ang may mandato sa ilalim ng 1987 Constitution para magsala ng mga nominado sa Hudikatura at magsusumite ng maikling listahan kay Pangulong Rodrigo Duterte para pagpilian ng hihirangin sa puwesto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?