72

Jul 27, 2021 @ 21:21
By

13-anyos nakaipon ng P100K sa pagiging ‘plantotoy’

Sa edad na 13-anyos, may ipon na si Ken Adrian dela Cruz ng mahigit P100,000 dahil sa pagiging “plantotoy”.

Sabi ni Ken Adrian dela Cruz sa episode ng “In Real Life”, natutunan niya ang kanyang gardening skills sa subject nila sa eskuwelahan na Technology and Livelihood Education.

Tinuruan daw sila sa paaralan na ang pagtatanim ay puwedeng gawing pangkabuhayan.

Nagkaroon siya ng interes sa mga halaman noong 5-anyos pa lamang siya, kung saan kabilang sa mga koleksyon niya ang Bougainvilleas, Philodendrons, Pothos at Rubber plants.

Nagsimula siyang magtinda ng mga alagang halaman nang mag-lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.

Pinakamahal niyang naibenta ay Giant Red Majesty sa halagang P3,500.

Umaabot umano ang kita ni Ken kada buwan sa P20,000.

Dahil dito, nakakatulong na siya sa gastusin ng kanyang ina pati na sa tuition fee ng kanyang ate.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?