379
gang-rape
Jul 15, 2019 @ 22:05
By

13-anyos na-gang rape ng BF, kabarkada

Naaresto ang isang 19-anyos na lalaki at apat na kaibigan nitong pawang mga menor de edad matapos pagkaisahang halayin ang 13-anyos na dalagita sa Iloilo.

Ayon sa ulat, naghihintay ang biktima ng tricycle sa terminal nang i-text siya ng isa sa mga suspek at pinapupunta umano siya sa bahay ng kasintahan kung saan nangyari ang rape.

Naroon umano sa bahay ang ama ng pangunahing suspek pero wala itong kamalay-malay sa nangyari.

Inamin ng mga suspek na hindi iyon ang unang beses na hinalay nila ang biktima, na hindi makapagsumbong dahil tinatakot ang babae.

Depensa ng mga suspek, hindi nila pinuwersa ang biktima dahil kusa umano itong sumama sa kanila.

Inamin din ng mga suspek na kinunan nila ng video ang biktima pero hindi raw sila ang nag-upload nito matapos kumalat ang video sa social media.

Samantala, tutuluyang kasuhan ng pamilya ng biktima ang mga suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?