5

Oct 27, 2020 @ 15:26
By

12K lespu pinakalat sa mga sementeryo

Nasa 12,000 pulis ang dineploy ng Philippine National Police (PNP) sa mga sementeryo at columbarium nationwide para ipatupad ang minimum health standards habang papalapit ang panahon ng Undas.

Ayon din kay Joint Task Force Covid Shield commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar, may pang 17,000 force multipliers na pinakalat din upang tumulong sa mga parak sa parehong layunin.

“Ito ay para matutukan itong ating mga concern sa pagsunod ng ating mga kababayan sa mga health protocols na pinangunahan sa pagpapatupad ng ating mga LGUs (local government units),” ani Eleazar sa Laging Handa press briefing, Oktubre 27.

Marami nang Pinoy na binisita ang kani-kanilang mga yumaong mahal sa buhay gayong ikakandado ang mga sementeryo, memorial park, at columbarium sa bansa sa darating na Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4, para makaiwas sa mass gathering at hindi na kumalat pa ang sakit na COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?