29

By

1,279 huli sa anti-criminality ops

Umaabot sa 1,279 mga pasaway ang naaresto sa ikinasang magdamagang Simultaneous Anti Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) ng Eastern Police District (EPD) na nagtapos Linggo ng umaga (July 14).

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ni EPD Director PBGen. Nolasco Bathan, patuloy ang pagsasagawa ng SACLEO kaugnay sa mga paghuli sa mga residenteng hindi sumusunod sa ordinansang ipinatutupad ng pamahalaang lokal at ang pagdakip sa mga gumagawa ng ilegal sa mga lugar na sakop ng Pasig, Mandaluyong, Marikina at San Juan City.

Ayon sa report, nasa 23 pasaway ang arestado sa kasong drinking in public places, 177 katao ang arestado sa smoking ban, nasa 67 katao ang huli sa kasong half-naked o walang damit pang-itaas na kadalasang lalaki ang nahuhuli, 46 ang nahuling kabataan na pagala-gala sa kalsada at nasa 966 ang nahuli pa sa ibang paglabag sa batas.

Sa kabuuan, nasa 892 mga pasaway ang nahuli sa Pasig City, 133 ang arestado ng Mandaluyong Police, 140 katao ang nahuli sa Marikina habang nasa 114 katao ang inarestong pasaway sa San Juan City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?