53

Jan 13, 2022 @ 18:20
By

126 unibersidad nagdeklara na ng academic break — CHED

Mahigit 100 unibersidad mula sa National Capital Region at Region IV-A ang nagdeklara na ng academic break dahil sa sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.

Ito ang inihayag sa Laging Handa ni Commission on Higer Education (CHED) Chairman Prospero de Vera kasunod ng hirit ng mga guro na magkaroon sila ng academic break.

Ayon kay De Vera, pagpasok pa lamang ng Enero 2022 ay may mga unibersidad ng nag-academic break at madadagdagan pa ang bilang ng mga ito sa katapusan ng buwan.

“Mayroon pang 123 universities doon sa aking meeting noong isang araw na mag-a-academic break din ngayong towars the end of January,” ani de Vera.

Hindi na aniya kailangang tugunan ng kanyang departamento ang mga panawagan para sa economic break dahil kusa na itong ginagawa ng mga pamantasan at unibersidad sa buong bansa.

“Iyong panawagan ng academic break at panawagang magdeklara ng nationwide academic break ang CHED, hindi na po kailangan iyan dahil kayang-kaya na ng ating mga pamantasan na gawin iyan on their own,” dagdag ni De Vera.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?