12

Apr 8, 2021 @ 10:37
By

126 tauhan ng PSG dinapuan ng COVID

Kamakailan lang ay nahawa sa COVID-19 ang 126 kasapi ng Presidential Security Group.

“Recently, we had 126 cases. But now, may mga na-clear na sa quarantine so we are down to around 45 active cases,” wika ni PSG Commander Jesus Durante III sa isang panayam, Miyerkoles.

Pinunto rin ng commander na walang direktang contact si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nagpositibong tauhan ng PSG. Kahapon, kinansela ni Duterte ang kanyang regular na “Talk to the People” ngayong linggo.

Ang mga tinamaan ng COVID-19 ay iyong mga nagbabantay aniya sa mga gate at nae-expose araw-araw sa lokal na populasyon.

“At the least, our PSG personnel who got infected are not directly or closely detailed with the President and are all asymptomatic without experiencing any adverse symptom,” banggit ni Duran sa isa namang pahayag.

“Hence, rest assured that the President is safe and in good health,” giit niya pa.

Hindi pa malinaw kung ang mga may sakit na PSG members ngayon ay ang parehong mga tauhan ng PSG na naunang binakunahan ng hindi awtorisadong Sinopharm COVID-19 vaccine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?