115

Dec 17, 2017 @ 18:28
By

125K workers sa private sector, naregular sa trabaho – DOLE

Mahigit 100 libong manggagawa ang naging regular sa trabaho sa loob ng taong 2017 sa ilalim ng mas maigting na kampanya ng Department of Labor and Employment (DOLE) laban sa iligal na kontraktwalisasyon.

Ayon sa year-end report ng Bureau of Working Conditions (BWC), kabuuang 125,352 manggagawa ang naging regular sa trabaho.

“We are ending this year with more workers enjoying stable employment status through our intensified labor inspections and voluntary regularization of collaborating establishments. As President Duterte has committed, we are pursuing the campaign to stop this pernicious practice with more vigor,” saad ni DOLE Secretary Silvestre Bello III.

Batay pa sa ulat ng BWC, 40,903 sa mga manggagawa ay naging regular sa pamamagitan ng regular labor assessment, habang 27,144 manggagawa ang nakatakda ring maging regular base sa inisyung Compliance Order ng DOLE.

Aabot naman sa 8,697 manggagawa ang nakinabang sa ilalim ng voluntary regularization, at ito ay masusundan pa ng karagdagang 48,286 na nakatakda ring gawing regular ng kanilang mga employer sa pagtatapos ng taong ito.

Sa loob ng taong ito, aabot sa 81,445 establisimyento na sumasakop sa 3.2 million na bilang ng mga manggagawa ang nainspeksyon ng mga Labor Laws Compliance Officers para matiyak na sila ay nakakasunod sa mga batas paggawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?