54

125 katao dinampot sa Makati bar raid

Sharing is caring!

Mahigit sa 125 ang inaresto ng mga pulis magsagawa ng buy-bust operation sa isang bar sa Makati City Sabado ng umaga.

Ang mga dinakip at mga local at mga dayuhan kasama ang mga kawani ng Times Bar na matatagpuan sa Makati Avenue.

Umabot sa 31 staff ng bar, kabilang ang waiter at bouncers, ay inaresto dahil sa pagsuplay diumano ng mga iligal na droga sa kanilang mga customer.

Narekober sa raid ang ilang piraso ng ecstasy, mga plastic sachet ng pinaghihinalaang cocaine at shabu at drug paraphernalia.

Ang mga party drugs ay ibibenta diumano sa mga customer na P2,000 kada piraso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?