20

Sep 14, 2021 @ 14:35
By

124 anyos na Pinay Lola swak bilang world’s oldest living person

Kasalukuyang abangers ang isang lola na Pilipina sa pagkilala sa kanya bilang world’s oldest living person sa edad na 124 anyos.

Kinilala ng GMA News ang ginang bilang si Lola Francisca Susano na ipinanganak taong 1897.

Ayon sa kanilang ulat, kasalukuyan kasing si Tane Tanaka pa ng Japan ang may hawak ng naturang record na ipinanaganak noong 1903.

Sambit ni Rodolfo Ordanes na siyang Senior Citizen Party-list representative, natanggap na ng Guinness World Records Organization ang mga dokyumento ni Lola Francisca para sa naturang kategorya.

Kaugnay nito, naghain ng resoluyson si Ordaes sa Kamara na nagmumungkahi sa pagbibigay ng pamahalaan ng P1 million cash incentive para kay Lola Francisca.

“Dapat nating ituring na pambansang yaman ang mga gaya ni Lola Francisca Susano. Nasaksihan niya ang mahahalagang yugto sa kasaysayan ng ating bansa sa nagdaang mahigit isang siglo,” aniya.

“Mas matanda pa nga siya kaysa sa deklarasyon ng Kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?