94

By

Proteksiyon ng migrant workers, nilagdaan ng ASEAN leaders

Sharing is caring!

Kung may direkta mang pakinabang sa karaniwang mga tao ang idinaos na ASEAN Summit sa bansa, ito ay ang nilagdaang ASEAN Consensus on the Protection and Promotion of the Rights of Migrant Workers.

Ang nasabing consensus ang itinuturing na centerpiece o sentro ng Chairman ng Pilipinas ng ASEAN.

Nabatid na sa Pilipinas din nalagdaan ang ASEAN Declaration on the Protection and Promotion of the Rights of Migrant Workers nang idaos sa Cebu noong 2007 ang ASEAN Summit.

Ang lalagdaang consensus sa ASEAN Summit ngayon ay maglalaman ng panuntunan para sa pagpapatupad ng naunang deklarasyon na nilagdaan para sa mga migrant workers noong 2007.

Kabilang na rito ang paggagawad ng proteksyon sa mga migrant workers na gagawing kapantay sa iginagawad na proteksyon sa sariling mamamayan ng mga ASEAN Countries pagdating sa aspeto ng labor contracts at labor standards.

Ang ASEAN Consensus ay nilagdaan sa isang seremonya na idinaos bago ang closing ceremony ng 31st ASEAN Summit and Related Summit.

Dumalo sa seremonya ang mga pinuno ng ASEAN sa pangunguna ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“One of the key features of this ASEAN Consensus on the Protection and Promotion of the Rights of Migrant Workers is for all countries in Southeast Asia to afford the same level of protection to migrant workers as they do to their own citizens in terms of labor contracts, labor standards, and all of that, access to say legal representation, especially access to consular representation,” paliwanag ni Department of Foreign Affairs Robespierre Bolivar. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?