49

Sep 18, 2019 @ 15:51
By

1,234 pasaway dinampot ngayong Martes

Umabot sa 1,234 mga pasaway ang naaresto sa ikinasang magdamagang Simultaneous Anti Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) ng Eastern Police District (EPD) na nagtapos kaninang umaga, Setyembre 17.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ni EPD Director PBGen. Johnson C. Almazan, patuloy ang SACLEO sa paghuli ng mga residenteng hindi sumusunod sa ordinansang pinatutupad ng pamahalaang lokal at gumagawa ng iligal na aktibidad sa mga lugar na sakop ng Pasig, Mandaluyong, Marikina at San Juan City.

Ayon sa ulat, nasa 24 katao ang nahuling umiinom ng alak sa kalsada o drinking in public places, 105 katao ang arestado sa smoking ban, nasa 57 katao ang huli sa kasong half naked o walang damit pang-itaas na kadalasang lalaki ang nahuhuli, 30 ang nahuling kabataan na pagala-gala sa kalsada at nasa 1,018 naman ang nahuli pa sa ibang paglabag sa batas.

Sa kabuuan, nasa 902 mga pasaway ang nahuli sa Pasig City, 193 ang arestado ng Mandaluyong Police, 113 katao ang nahuli sa Marikina habang nasa 26 katao ang inarestong pasaway sa San Juan City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?