90

Apr 19, 2021 @ 22:33
By

122 residente sa Cabuyao lagot sa dobleng ayuda

Nanganganib makasuhan ang may 122 residente sa Cabuyao, Laguna matapos dalawang beses na tumanggap ng ayuda.

Ayon sa “24 Oras” report ngayong Lunes, nadiskubre ng mga opisyal sa Cabuyao ang pare-parehong pangalan sa kanilang cash aid database.

Kaya sabi ni Task Force Disiplina Head Rudy Derez Jr., magkakaso ang Department of the Interior and Local Government laban sa mga residenteng kumubra ng dobleng ayuda.

Binigyan sila ng 24 oras upang ibalik ang sobrang natanggap na pera sa Cabuyao government.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?