8

Apr 8, 2021 @ 15:24
By

120,000 COVID bakuna kada araw posible sa Metro Manila – MMDA

Naniniwala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na kayang magturok ng 120,000 dose ng COVID-19 vaccine kada araw sa Metro Manila.

Ito’y pahayag ni MMDA General Manager Jojo Garcia sa online briefing nitong Huwebes.

“’Yung sinasabing more than 120,000 capacity ng LGUs ito [ay possible] kapag dumating na ang maraming vaccine, kasi right now may priority pa tayo, meaning kahit na gustong magpabakuna ng ordinary na tao, hindi pwede dahil may priority pa,” saad ni Garcia.

Lahad pa ng MMDA official, kumpiyansa siyang matuturukan ng first dose ang 70 percent ng populasyon ng NCR sa loob ng apat na buwan.

Sa ngayon ay mga health worker, senior citizen at may comorbidity ang pinapayagan na magpabakuna.

Kasama rin sa prayoridad ang mga mayor at gobernador sa mga tinuturing na high-risk area sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?