119

Apr 1, 2020 @ 19:09
By

1,200 OFW tapos na mag-quarantine ayaw tanggapin ng LGUs

Inihayag ni OWWA- administrator Hans Leo Cacdac na 1,200 mga OFW ang sumailalim sa 14 day quarantine na nasa iba’t- ibang boarding house sa Metro Manila ang ayaw pang tanggapin ng mga LGUs.

Patuloy pa rin ang pakikipag-coordinate at pakikiusap ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga LGU partikular sa Visayas at Mindanao na ayaw tumanggap sa mga OFWs dahil sa banta ng Corona Virus Disease (COVID-19).

Ito ang mga OFWs na nagbalik bansa kung saan mayroon rin ang hindi natuloy mangibang bansa.

Ayon kay Cacdac natapos na ng Home Quarantine at wala naman sintomas ng COVID-19, subalit wala pa rind daw senyales na tatanggapin sila ng kanilang LGU.

Iginiit ni Cacdac na batay sa kautusan at patakaran ng Inter Agency Task Force walang LGU na hahadlang sa karapatan ng sinumang Pilipino na makabalik sa kanilang tirahan.

Handa naman ang OWWA na ihatid umuwi ang mga OFW pero ang tanong kung may sasalo sa kanila pag nakarating na sila doon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?