312

Aug 17, 2019 @ 12:27
By

12 timbog sa investment scam

12 katao mula sa SGP Dragon Trading Corp. at Requiza Poultry, ang naaresto nitong Huwebes sa isang entrapment operations.

Ang dalawang naturang kompanya ay sangkot umano sa illegal investment-taking activities ayon sa Securities and Exchange Commission (SEC).

Nagsagawa ng entrapment operations ang mga operatiba ng SEC Enforcement and Investor Protection Department at ang National Bureau of Investigation (NBI) noong August 15 sa mga opisina ng naturang mga kompanya sa Sacred Heart, Quezon City.

Anim katao umano mula sa SGP Dragon ang nahuli at anim din mula sa Requiza Poultry dahil sa paglabag sa Securities Regulation Code (SRC) o Republic Act No. 8799.

“There will be no letup in our fight against investment scams,” saad ni SEC chair Emilio Aquino nitong Biyernes.

“We reiterate our advice to the public to exercise caution and discernment when offered an investment opportunity.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?