10

By

12 Thai players, coach inimbitahan ng Man U

Sharing is caring!

May invite na ipinarating ang English Premier League club Manchester United sa 12 players ng Wild Boars football team at kanilang coach na tagumpay na nailabas sa isang kuweba sa Thailand matapos ang 18 araw na pagkaka-trap.

Nitong Martes ay tagumpay na nailabas ng Tham Luang cave ang huling apat na bata at ang 25-anyos na coach nila.

June 23 pa pumasok ng kuweba ang mga batang edad 11-16 at coach bilang bahagi ng kanilang initiation, pero hindi nakalabas nang bumuhos ang ulan at pasukin ng tubig ang kinaroroonan.

“#MUFC is relieved to learn that the 12 footballers and their coach trapped in a cave in Thailand are now safe. Our thoughts and prayers are with those affected,” tweet ng Manchester United (@ManUtd).

Sinundan nila ito ng invite: “We would love to welcome the team from Wild Boars Football Club and their rescuers to Old Trafford this coming season.”
Ang Old Trafford ang home stadium ng Man United sa England.

Noong isang linggo pa ay nagpasabi na si FIFA (International Football Association) chief Gianni Infantino na iimbitahan niya ang Wild Boars para manood ng final ng World Cup sa Linggo.

Pero kailangan pang manatili ng ilang araw sa ospital ang mga bata, kaya malamang ay hindi makapunta sa Russia.

Tatakbo ang susunod na season ng Premier League mula August hanggang May, kaya may pagkakataon ang Wild Boars na tanggapin ang invite ng Man United. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?