50

Oct 22, 2017 @ 12:04

12 terorista na lang ang natitira sa Marawi – AFP

Mahigit sa samu na lang na local pro-ISIS terrorist ang nagtatago sa Marawi City habang nagpapatuloy ang militar sa kanilang mopping up operation sa nasabing lungsod, ayon kay Armed Forces of the Philippines spokesperson Brigadier General Restituto Padilla.

“Yung local terrorist po hindi natin makuha ang angkop na bilang dahil kada nare-rescue natin na mga hostages nagkakaiba iba ang bilang na nabibigay … ang kanilang estimate ay nasa 10 pa o mahigit,” pahayag ni Padilla sa panayam sa dzBB.

Bukod pa diyan, may dalawa rin umanong dayuhang terorista ang nanatili sa Marawi City.

“Si [Amin] Bacu po ang hinahanap natin pero hindi na ito factor dahil wala na silang impluwensiya sa kabuuan ng mga nangyayari diyan, cornered na po kasi sila,” ani Padilla.

“So, si Bacu po ang isa doon at sa impormasyong aming nakuha, mga dalawa pang dayuhang terorista ang naiiwan doon sa kabuuang grupo,” dagdag pa nito.

Samantala, tinatayang may 10 hostages pa ring hawak ang mga terorista, ayon sa AFP spokesman.

Nauna nang sinabi ni Western Mindanao Command Lieutenant General Ernesto Galvez Jr. maaring ideklarang wakas na ngayong Linggo sa Marai City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?