17

By

12 Russians isinakdal sa panghihimasok sa 2016 US elections

Sharing is caring!

Pormal na inakusahan ang 12 Russian military intelligence officers ng pangha-hack sa presidential campaign ni Hillary Clinton at sa Democratic Party.

Ayon sa report, naglabas ang mga ito ng libo-libong private communications para manghimasok sa 2016 US election.

Bunga dito, isinakdal sila dahil sa panghihimasok sa politika ng Amerika na layon umanong tulungan ang kampanya ni Donald Trump at sirain naman ang sa kalaban nitong si Clinton.

Ito ay hiwalay sa pagsasakdal naman sa naturang Russians ng paggamit sa social media para magdulot ng alitan sa mga botanteng Amerikano.

Sa 29-page indictment, inihayag na pinasok ng Russians ang Democratic email accounts, kabilang na ang pag-aari ng campaign chairman ni Clinton na si John Podesta, ang Democratic National Committee at ang Democratic Congressional Campaign Committee.

Ang mga ninakaw na emails, karamihan ay mapanira sa karera ni Clinton, ay lumabas sa WikiLeaks sa huling bugso ng kampanya.

Sabi pa sa indictment, ang mga akusado ay gumamit ng pekeng account na Guccifer 2.0 noong Agosto 2016 at tinawagan ang indibiduwal na may contact sa kampanya ni Trump para mag-alok ng tulong.

Ang mga akusado ay mga opisyal umano ng Main Intelligence Directorate of the General Staff ng Russia. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?