114

Feb 24, 2018 @ 16:12
By

12 preso nakatakas sa kulungan sa Jolo

Nakapuga sa Jolo police detention cell ang 12 na bilanggo kaninang umaga.

Sa report ng Philippine National Police Jolo, Sulu, alas-10:40 ng umaga kanina nang makapuga ang 29 na mga bilanggo habang nasa loob ng comfort room ang duty dentention guard.

Ngunit dahil sa mabilis na pagresponde ng mga pulis ay muling naaresto ang 17 bilanggo at naibalik sa kulungan.

Tuluyan namang nakatakas ang 12 pang bilanggo sa kabila ng mga warning shots na ginawa ng mga pulis.

Patuloy ang pagtugis ng pulisya sa mga nakatakas na mga bilanggo habang nakikipag-ugnayan na rin sila sa lahat PNP units sa lalawigan at mga barangay officials para maaresto ang mga tumakas na preso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?