43

Sep 8, 2021 @ 20:18
By

12 mangingisda sa E. Samar nahanap na

Natagpuan at nailigtas na ng mga awtoridad ang 12 mangingisda na naiulat na nawawala sa Catbalogan City, Eastern Samar sa gitna ng hagupit ng bagyong Jolina.

Sa pahayag ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) executive director Undersecretary Ricardo Jalad ngayong Miyerkoles, natagpuan ang 12 sa baybayin ng Sano Niño, Samar.

Ngunit may lima pa umanong mangingisda ang hinahanap na mula rin sa Eastern Visayas.

Kumikilos naman umano ang search at rescue operations para matagpuan ang lima na nawawala pa.

Pinayuhan din ni Jalad ang publiko na makinig sa mga ulat ng awtoridad pagdating sa masamang panahon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?