3,113

Sep 8, 2021 @ 11:50
By

12 lugar sa San Juan nilagay sa granular lockdown

Isinailalim sa granular lockdown ang 12 lugar sa San Juan City dahil sa pagtaas ng mga COVID cases, ayon kay Mayor Francis Zamora.

“We have 12 na naka-granular lockdown at sila ay sinusuplayan ng food packs, sila ay tini-test at mino-monitor nang mabuti,” wika ni Zamora sa isang panayam ngayong Miyerkoles.

Siniguro rin ng alkalde na istrikto ang naturang lockdown upang mapigilan ang pagkalat ng virus sa siyudad.

“Bawal ho talaga [lumabas] dahil sila ay naka-granular lockdown, ibig sabihin they are potential virus carriers already. Kelangan tapusin ang 14 days,” pahayag ng alkalde.

Mananatili sa modified enhanced community quarantine ang Metro Manila hanggang Setyembre 15.

Samantala, ang San Juan ay kasalukuyang may 731 active cases.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?