46

By ,

12 koponan paistaran sa Chooks 3×3 league

Didribol na ngayong Pebrero ang kauna-unahang 3×3 national league sa bansa na Chooks-to-Go Pilipinas 3×3.

Sasalang ang 12 city-based team sa pambungad na All-Filipino Conference na tinaguriang President’s Cup.

Pagalingan ang Bacoor Strikers, Bataan Risers, Bulacan Kuyas, Cebu-Max 4 Birada, Manila Stars, Marikina Shoemasters, Pasig-Grindhouse Kings, Quezon City-Zark’s Jawbreakers, San Juan Knights, Valenzuela Classics, Vigan Baluarte at Zamboanga Valientes.

Bukod sa ipamalas ang galing at husay ng ilang manlalarong Pilipino pagdating sa ganitong klaseng torneo, ang ultimate goal ng liga ay makabuo ng mahusay na 3×3 team na maaring kinatawan ng bansa sa FIBA sanctioned 3×3 competitions.

“The tournament is big help for the players that will get to represent the country. When you play 3×3 all year round, it’s easy for them to familiarize with the rules,” wika ni league commissioner Eric Altamirano.

Ilan sa mga kilalang collegiate at mga dating professional ang sasabak dito gaya nina Alvin Pasaol ng UE at Anton Asistio ng Ateneo.

“Definitely I wad surprised by the quality of players we have attracted. We expect intense, close games in all legs of the President’s Cup as we all witness the future of 3×3 take shape,” sabi ni league owner at Chooks-to-Go president Ronald Mascarinas.

Gaganapin ang mga laro SM Megamall at SM Fairview Event Center at mapapanuod ito sa ESPN 5.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?