38

Oct 2, 2017 @ 19:12

12 katao arestado sa Comelec gun ban

Labing dalawang indibidwal agad ang naaresto ng Philippine National Police matapos lumabag sa umiiral ng Comission on Election gunban kaugnay sa nalalapit na Sanggunian Kabataan at Barangay Election.

Ito ay batay sa ulat ng PNP simula hatinggabi ng October 1, hanggang alas -6:00 ng umaga kanina, Lunes.

Tatlo sa bilang na ito ay naaresto sa isinagawang checkpoint operation sa region 1, 4a at region 6.

Walo naaresto sa police operations isa sa region 1 isa sa region 3m isa sa region 6 at tatlo sa region 7.

Isa naman sa naaresto ay dahil sa search warrants sa region 3.

Sa bilang na ito, walong baril ang nakumpiska, dalawang revolver, isang homemade firearms, isang bladed weapon at 102 ammunition.

Sa ngayon ay patuloy ang pagbabantay at mahigpit na seguridad na ipinatutupad ng PNP upang mahuli ang mga lalabag sa comelec gunban nationwide. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?