52

Dec 26, 2017 @ 14:45
By

12 indiscriminate firing case naitala ng PNP sa loob ng 10 araw

Labing-dalawang insidente na ng indiscriminate firing ang naitala ng Philippine National Police (PNP) sa loob ng 10 na araw.

Batay sa monitoring ng PNP, ito ay mula Disyembre 16 hanggang Disyembre 26, 2017.

Nakapagtala ng limang insidente ng indiscriminate firing sa National Capital Region Police Office (NCRPO), isa ang namonitor ng Police Regional Office (PRO) 1, dalawa sa PRO 3, isa sa PRO 5, dalawa sa PRO 7 at isa sa PNP-ARMM.

Pitong indibiduwal naman ang naaresto dahil sa iligal na pagpapaputok, dalawa rito ay pulis na naitala sa NCRPO, isa ay barangay kagawad sa PRO 1, dalawang sibilyan sa PRO 3 at dalawa pa sa PRO 7.

Patuloy namang pinaghahanap ang pito pa na kinabibilangan ng limang sibilyan sa NCRPO, isang ex-CAFGU sa PRO 5 at isa pang pulis sa PRO-ARMM.

Sugatan naman ang tatlong katao sa indiscriminate firing na naitala ng NCRPO, PRO 3 at PRO 5.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?