29

May 31, 2020 @ 14:11
By

12 hinihinalang positibo sa COVID-19 ino-obserbahan

Ino-obserbahan ang 12 suspect COVID-19 patients sa Palawan province matapos maglabas ng report ang regional nito lang Linggo.

Nasa iba’t-ibang ospital ang 10 minomonitor habang ang dalawa ay naka home quarantine.

Tumaas ang bilang ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) region, umabot na ito sa 70.

Sa facebook ni Oriental Mindoro governor Humerlito Dolor sinabi nitong pang 23rd na COVID-19 positive patient sa kanilang lugar ang 61-year-old male mula sa San Isidro, Puerto Galera.

“He has end stage renal disease on hemodialysis treatment since 2016 according to the doctor, He has been admitted since May 18 for shortness of breath. Aside from his kidney problem, he has been assessed to have other medical conditions. Presently, he is stable but under close monitoring, and needs to continue his intravenous (IV) antibiotics, other medications and dialysis therapy,” hayag ni Dolor.

May limang healthcare workers mula sa Romblon District Hospital ang positibo, apat sa kanila ay mga nurse habang ang isa ay utility worker.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?