67

Dec 30, 2019 @ 17:05
By

12 empleyado ng paaralan naospital sa nalanghap na freon gas

Itinakbo sa ospital ang may 12 empleyado ng isang English language school sa Pasig City matapos nilang makalanghap ng freon gas.

Ayon sa ulat, mula sa nasirang air-conditioning unit ang naamoy na freon gas ng mga biktima noong Sabado, Disyembre 28.

Kinabibilangan ang mga biktima ng walong babae at apat na lalaki na nagkakaedad ng 20 hanggang 39 at nagtatrabaho sa isang paaralan sa Ortigas Avenue.

Nakaramdam umano ang mga biktima ng pagkahilo at pagsusuka dakong alas-kuwatro ng hapon.

Binahagi ni Barangay San Antonio chairman Raymond Umale Lising ang video ng nangyaring insidente sa kanyang Facebook account.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?