2,383

Jan 16, 2021 @ 16:40
By

12 doktor sa Cebu arestado sa pag-iinuman

Dinakip ang 12 doktor na mula sa mga pribadong ospital matapos mag-inuman sa isang establisyimento sa Barangay Banilad, Cebu City.

Kabilang sila sa 166 curfew violator na nalambat sa isinagawang “Oplan Bulabog” kahapon, Jan. 15.

Sa ulat sinabi ni Police Lt. Col. Wilbert Parilla, deputy city director for operations ng Cebu City Police Office, na sa kabila na Authorized Personnel Outside Residences ang mga doktor ay lumabag pa rin sila sa mga quarantine protocol dahil sa pag-iinuman sa labas.

Dagdag niya, awtorisado lamang aniya lumabas ang mga doktor kapag naka-duty.

Nahaharap sa multa ang mga hinuli at pansamantalang ikinulong sa Barangay Tejero Detention Center.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?