36

Apr 6, 2020 @ 13:15
By

12 Chinese medical expert mag-oobserba sa mga quarantine facilities -DOH

Sa pag-iikot sa mga quarantine facilities ng 12 Chinese expert ay magbibigay sila ng rekomendasyon na siyang tutularan ng DOH.

Ito ang sinabi ni Usec. Maria Rosario Vergeire sa Laging Handa Press Briefing kaugnay sa misyon ng dumating na 12 Chinese medical experts.

Gayunman ay kailangan muna aniyang pumunta sa DOH ng mga ito para magbigay ng technical assistant base sa kanilang karanasan na kanilang nakuha sa pag-implement ng measure sa China.

Kanila umanong ipapaliwanag at titingnan ang mga ginagawa ng DOH at magbibigay sila ng rekomendasyon.

Magtutungo rin ang grupo ng mga Chinese expert medical team sa mga facilities sa Lung Center of the Philippines, Philippine General Hospital at San Lazaro hospital, RITM.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?