21

Jan 18, 2021 @ 16:00
By

12 benepisyaryo ng 4Ps, SAP arestado sa sugal

Nasa pitong katao na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at limang tumatanggap ng Social Amelioration Program (SAP) ang nadampot sa magkakahiwalay na anti-illegal gambling operation sa Eastern Visayas.

Kabuuang 39 indibiduwal, kabilang ang menor de edad at tatlong babae, ang nahuli sa tupadahan at tong-its.

Lima sa kanila ay naaresto sa Alangalang, Leyte; 12 sa Mahaplag; apat sa Baybay City; at apat sa bayan ng Bato.

Sa mga nahuli, apat ang inulat na 4Ps beneficiaries habang lima ang SAP recipients.

Samantala, tatlong babae naman ang naaktuhang naglalaro ng tong-its sa Barangay Libertad, Gamay, dalawa sa kanila ay 4Ps beneficiaries.

Walong katao naman ang nadakip sa iligal na sabong sa Eastern Samar, isa ang 4Ps beneficiary.

Tatlo naman ang inaresto sa Sitio Tubod, Barangay Imelda sa Naval, Biliran dahil din sa iligal na sabong.

Nagbabala naman si Department of Social Welfare and Development Regional Director Ma. Angela Gopalan sa mga 4Ps beneficiary na buburahin ang mga ito sa programa kapag nahuli ng tatlong beses sa paglabag sa mga guideline ng programa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?