19

Jun 25, 2020 @ 16:28
By

12 barangay sa Cebu City, bagong COVID hotspot – Cimatu

Tinuring na mga COVID-19 hotspot ang nasa 12 barangay sa Cebu City batay kay Environment Secretary Roy Cimatu.

Si Cimatu ang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte para bantayan ang sitwasyon sa naturang lungsod, kung saan patuloy ang pagtaas ng COVID-19 case sa mga nagdaang linggo.

Ang nasabing 12 barangay ay ilalagay sa lockdown, kung saan nasa 160 miyembro ng Special Action Force at 200 pulis ang ipapakalat para mapatupad ang enhanced community quarantine.

Kasama sa mga barangay na tinuturing na hotspot ay ang: Sambag II, Kamputhaw, Sambag, Basak San Nicola, Mabolo, Guadalupe, Lahug, Duljo Fatima, Tinago, Tisa, Ermita at Tejero.

Samantala, ilan naman sa residente ng Cebu ang hindi natuwa sa lockdown dahil wala umanong binigay na abiso ang pamahalaan ukol dito.

Nanawagan naman si Cebu City Mayor Edgar Labella ng pang-unawa sa pagkakasuspende ng mga quarantine pass dahil sa ECQ.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?