26

By

12 bagong riles ng MRT-3 naikabit na

Nailatag na ang 12 na bagong riles ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3) mula Ayala hanggang Magallanes Station.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), sa kasalukuyan ay nasa 12 sets na riles na may tig-180 metro ang haba na ang naikabit sa linya.

Ang pagpapalit ng riles ng MRT-3 na nagsimula pa ng gabi ng Nobyembre 4 at target na makumpleto sa Pebrero 2021 ay isa lamang sa mga aktibidad na nakapaloob sa malawakang rehabilitasyon ng MRT-3.

Ang rail replacement activities ay gagawin tuwing non-revenue hours o mga oras na walang biyahe ang MRT-3, mula alas-11:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling-araw.

Oras na mapalitan aniya ang mga riles ay maiiwasan na ang pagkakatagtag ng mga bagon sa biyahe na isa sa mga pangunahing sanhi ng mga problema o aberya sa operasyon.

Bukod dito, inaasahan din na magiging mas mabilis ang takbo ng mga tren dahilan upang mapaiksi ang headway o waiting time at madoble ang bilang ng mga pasaherong maseserbisyuhan nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?