77
pot-session1
Jun 17, 2018 @ 16:12
By

12 arestado sa pot session sa Caloocan

Nasa 12 katao ang inaresto ng mga awtoridad matapos na maaktuhan na nagsasagawa ng pot session sa magkahiwalay na lugar sa lungsod ng Caloocan kaninang madaling-araw.

Sa ulat nina PO1 Juan Miguel Madlangbayan at PO1 Rafael Tuballas ng Caloocan City Police- Station Drug Enforcement Unit (SDEU), unang nadakip ang mga suspek na sina Dennis Sinner, 32-anyos; magkapatid na Ryan, 19, at Patrick Batchao, 17; Jobert Villanueva, 36; at Kristalyn Barlam, 20, sa isang bahay sa Block 2, Santiago St., Vista Berde, Barangay 166, Caybiga ganap na alas-dos ng madaling-araw.

Nahuli sa akto ang mga ito na nagsasagawa ng pot session matapos na makatanggap ng tawag ang nasabing himpilan hinggil sa lantaran umanong paggamit ng shabu. Wala naman sa drugs watchlist ang mga suspek.

Samantala, alas-singko ng madaling-araw nang maaresto sina Ricky Guadamore, 43; pinsan na si Benjamin Guadamore Jr., 18; Junaid Macatood, 29; Nestor Flor Jr., 29; Hamdan Adato, 24; Jackielyn Montallana, 34; at Marissa Escobar, 34, sa Phase 4B, Package IX, Block 78, Barangay 176.

Isang tawag din ang natanggap ng Caloocan City Police Station 3 mula sa concerned citizen at ini-report ang nagaganap na pot session.

Narekober sa mga suspek ang anim na sachet ng hinihinalang shabu at iba’t ibang klase ng drug paraphernalias.

Pawang mga nasa kustodiya na ng Caloocan City detention cell ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?